October 27, 2007

I Beg Your Pardon


Agent XYX, acting as a reporter for the Administration, was sent on a mission by the President herself, PGMA, to find out what Mr. Estrada would possibly say to her regarding his situation now that he was convicted for plunder.

There, we find the agent, together with the other press people, in front of Erap's residence in Tanay, all anxious for Erap to come out and possibly, hoping that they could get near him and throw him a question or two. Sure enough, not a moment later, Erap emerged from his residence as the Sandiganbayan granted him a permission to visit his mother in the hospital.

Agent XYX, not losing a minute, acted immediately on his mission. Though he blended well with the rest of the media people, it was no easy task. Just as our agent was about to ask Erap his question, XYX was pushed away by another reporter and he loses his chance. XYX tried again and the same thing happened. Ah, he was no pro compared to these people.

Erap: (saying to the reporters around him) Thank you, everyone. But that would be all for now.

Not wanting to fail this mission, Agent XYX, mustering up his strength for the job, started to push other people out of his way to be near Erap as much as possible. When he was within hearing range from Estrada...

Agent XYX: (almost shouting) Mr. Estrada, just one more question please. If you are facing President Arroyo right now, what is it that you're going to tell her?

Erap: I beg your pardon. I'm in a hurry. I must attend to my ailing mother.

Thus saying Erap run as fast as he could towards his car when he accidentally tripped and fell face first on a dung.

And so the report has been filed. Days later, Estrada was granted pardon.

Now again, we see our good agent in front of Erap's residence in Tanay on the day that he is to be set free. He was once more commissioned by the President. This time, his task is to find out what Estrada plans to do now that he's free. Just like before, it's still difficult for our man to get near Erap. But this time, he came ready. Just as Erap was about to leave the flock of reporters, XYX turned on his megaphone and shouted as loud as he could.

Agent XYX: Running again, Mr. Estrada?

Erap eyeing a garbage nearby full of flies and shit, remembered his first encounter with XYX, said to himself, "I will not fall for that shit again."

Turning towards where XYX was, Erap smiled and waved. And shouting as loud as he could, he said, "Never again, boy. Never again."

Our agent need not report to our President the incident anymore. It has been broadcasted live in all major tv networks here and abroad and on the internet.

And tomorrow's headline in newspapers: Erap, never to run again.



***This work is nothing but fiction. The author disclaims any responsibility for possible consequences resulting from lack of understanding.

September 23, 2006

LBC

Anong kabutihan ang nagawa ko at dumating ka sa buhay ko?
Dala-dala mo’y pag-ibig na walang sintamis
Pag-ibig na nagbigay kulay sa ordinaryo kong buhay
Ligalig sa pusong minsa’y naging istatwa

Bumuo ng mga pangarap na ikaw ang kasama
May mga munting alay na sayo’y nais ipadala
Ay buhay, anong kabalbalan kaya ang aking nagawa?
At ikaw ay biglang lumisan ng walang paalam

Umalis ka na’t lahat lahat, nag-iwan ka pa
Mga sandaling walang kasing lungkot
Paligid na walang buhay at sigla,
Isang buhay na muli'y dilim ang bumalot

Dinamdam ko masyado ang iyong paglisan
Pero bakit nga ba patuloy kong pahihirapan
Ang sarili kong nabuhay naman noong ika’y wala pa?
Hindi maiaalis na ako’y masaktan
Hindi mawawala ang ako’y maghinagpis
Sa saglit na ligaya at kakarampot na tuwa na iyong pinadama
Dahil sa ayaw ko man at sa gusto, mahal kita ng lubos at sobra

Heto ako ngayon, nabubuhay ng wala ka
Nabubuhay ako dahil kailangan kahit ano pa
Wag nyo akong sabihang tanga o isang nagpapakatanga
Pagbigyan nyo na lamang ang aking pagdadrama
Sino nga ba ang nawalan? Ako naman di ba?

Parang sugat na binudburan at kinuskusan ng asin
Ganyan ang sakit na idinulot mo sa akin
Meron pang pagkakataon ako’y nakakita ng liwanag
Akala ko, bumalik ka na…hindi pala
Sa sakit, ako’y hihimatayin na pala

Haaayyy pasasaan ba’t ito’y maghihilom din
Darating din ang panahon na ito’y gagaling din
Sigurado ako mag-iiwan ito ng peklat
At sigurado akong hindi ka mawawaglit sa aking alaala
Paano ba naming hindi?!
“I’ve been here” pa ang napili mong pangmarka
Wala ka namang lahing sadista sa lagay na yan

Sabi ko, darating din ang panahon pag naghilom na ito
At isang peklat na lamang ang magsisilbing palatandaan
Sa isang pag-ibig na minsan sa buhay ko’y nagdaan
Maalala man kita, hindi na ako masasaktan pa
Buhay nga naman, naisip kong bilga
May mga peklat palang kumikirot pa rin
Lalo na sa panahon ng tag-lamig
Gaano man ito katagal na

Sa mga darating pa na pag-ibig ang dala-dala
Siguraduhin nyo lang na pag kayo’y lumisan
Isama nyo na balat at kalat ng regalo nyong di ko naman inasam
Maawa naman kayo sa akin
Iwanan nyo ako kung paanong ako’y inyong dinatnan
Na parang wala lang, di ko pansin at di ramdam
Dahil sa susunod na mangyari pa ito sa akin
Ipapa-LBC ko ang mga yan patungo sa inyong kinaroroonan
Tignan natin kung kayo’y matuwa
Pag kayo na mismo ang nakatikim ng pait ng isang paglisan

Paano ko ba tatapusin itong aking drama?
Ahh, alam ko na.. ng may pag-asa
Pag-asang isang araw ay babalik ka
Sapagkat nais mo pa lang
Sa iyong paglisan ako’y iyong isama
Ohohohoyyy Asa ka pa!

Ngayon, magtitiis na lang muna ako
Sige lang ng sige hangga’t pupuwede
Wala naman ako magagawa at ganyan talaga
Pero wag kang mag-alala, bukas may LBC ka.